Sunday, March 6, 2016

History Check

2014 Dati naaalala ko pa kung papaano pumasok yung dslr sa aking buhay. First year college ako noon at mayroon kaming proyekto at ako ang kanilang napiling lider. Kailangan naming gumawa ng video about sa pag-aadvertise ng aming paaralan na Letran Calamba. Nung nalaman ko palang na advertisement ay naisip ko agad na kailangan namin ng camera para sa pag vivideo. May camera kami nun, Canon siya 550D(which is hanggang ngayon gamit ko parin ;) ) at iniisip ko ng hiramin yun sa tatay sapagkat nakatambay lang naman sa kwarto niya yun eh. Kaso iniisip ko baka pagalitan ako, di ako payagan dahil masisira ko lang, etbp.. Hanggang nagtanong tanong muna ako sa aking mga kasama sa grupo kung sino ang mayroong camera. May mga nagtaas ng kamay ngunit walang may balak magpahiram. Jusko para sa proyekto naman natin yun no at hindi para ibalibag. Lol Kaya dumating na sa point na ako na nga lang, ako na mag dadala ng camera. Pagkatapos nun ay ipinagpaalam ko na ito sa aking ama na pumayag naman siya(Yes!). Napahiram na ako ng camera hanggang sa ginagamit ko na pala lagi yung camera ng hindi ko namamalayan. Dumating na sa punto talaga na lagi ko na lang dala yung camera para pikturan ang aking mga kaibigan para lang sa "memories" namin hanggang sa nag step up na nga na mag photoshoot daw ako. And diyan nag simula ang aking pag pipiktyur nga pala. :)